Mga bala nasa septic tank

MANILA, Philippines - Bultu-bultong bala na pinaniniwalaang pag-aari ng maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa abandonadong septic tank sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao kama­kalawa. Sa report ng regional police na nakarating sa Camp Crame, bandang alas- 6 ng umaga nang salakayin ng mga elemento ng pulisya at Army’s 46th Infantry Battalion ang labas ng tahanan ni Rahima Zena Dukay sa Barangay Poblacion, Shariff Aguak. Ang operasyon ng mga awtoridad ay alinsunod sa paghahanap ng mga armas na ginamit sa Maguindanao massacre na ikinasawi ng 57-katao kabilang ang 32 mediamen sa bayan ng Ampatuan. Kabilang sa mga nasamsam ay ang 12 rounds ng cal. 90mm, 37 rounds ng cal. 81mm, 3 rounds ng cal. 81mm , 9 rounds ng cal 81mm, 22 rounds ng cal .60mm mortar, isang round ng cal .57 RR heat ammunitions at iba pa. Joy Canots

Show comments