Kabesa, 3 pa dinukot

MANILA, Philippines - Isang barangay chairman at tatlong iba pa ang dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng umaga sa bisinidad ng Barangay Arakan sa Cotabato City. Kabilang sa mga kinidnap ay sina Chairman Nilo Catihan, Neil “Boy” Ofli, brgy. tanod; at dalawang menor-de-edad na sina Abel Camad at Ando Gunat. Natukoy naman ng pulisya ang grupo ni Franklin Bundad alyas Commander Aya ng Guerilla Front Committee (GFC) 53 ang nasa likod ng pagdukot sa mga biktima. Naglunsad na ng search and rescue operations ang pinagsanib na elemento ng Army’s 57th Infantry Battalion at pulisya upang iligtas ang mga bihag. Joy Cantos

Show comments