Amo kinatay, minartilyo ng 2 tauhan

PANGASINAN, Philippines — Brutal na kamatayan ang si­na­pit ng may-ari ng vi­deoke bar makaraang pag­tulu­ngang saksakin at martil­yuhin ng dalawa nitong tauhan noong Bi­yernes sa Barangay Liwa-Liwa sa bayan ng Bo­linao, Panga­sinan.

Halos magkabutas-bu­tas ang katawan at ba­sag pa ang bao ng ulo nang matagpuan sa loob ng kanyang kuwarto si Ramil Coronado ng Ba­rangay Concordia at may-ari ng City Classic Videoke Bar.

Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto na­man ang mga suspek na sina Darwin Aranzazo, 26, ng Caloocan City at ang 17-anyos na binatilyo na naka­tira sa Tondo, Maynila.

Ang dalawa na sinasa­bing sumakay ng pampa­saherong bus patungong Maynila ay nasabat sa checkpoint sa bayan ng Cami­ling, Tarlac.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, lumilitaw na bago naganap ang krimen, naki­pag-inuman pa sa mga kapwa nito may-ari ng vi­deoke bar ang bik­tima bago naunang umuwi.

Si Coronado ay natag­puang patay ng kanyang tat­long guest relations officers (GROs) sa loob ng kanyang kuwarto sa vi­deoke bar.

Narekober sa mga sus­pek ang dalawang cell phone, relos, kuwintas, sing­­sing, pitaka, pabango na pag-aari ng biktima at mga kendi.

Narekober din ang mo­torsiklo ng biktima na gina­mit ng mga suspek sa Ba­rangay Luna.

Nakuha rin sa mga sus­pek ang martilyo, kutsilyo at itak na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Show comments