6 pulitiko nagbigay ng pera sa NPA

MANILA, Philippines -  Anim na pulitiko na pa­wang kandidato sa halalan sa Mayo ang nagbayad uma­no ng malaking halaga ng permit to campaign fee sa New People’s Army para makakampanya sila sa balwarte ng mga rebelde sa Southern Tagalog.

Ito ang ibinunyag kaha­pon ni Defense Secretary Norberto Gonzales pero tumanggi siyang tukuyin ang pangalan ng naturang mga pulitiko.

Sinabi ni Gonzales na ang naturang mga pulitiko ay mula sa lalawigan ng Que­zon at Laguna pero pa­tuloy pa ang panga­ngalap nila ng ebidensya laban sa mga ito.

Makikipagpulong anya siya sa naturang mga kan­didato upang personal na alamin sa mga ito kung bakit kailangang magpa­dala sila sa takot sa pa­ ngingikil ng komunistang grupo. “Yun ang listahan na ibinigay sa akin eh sa La­guna kaya ang plano ko kausapin, mabuti na yung harapin, nagbigay ka raw ng ganito totoo ba yan, o malalaman naman natin yan,” sabi ng Ka­ lihim. Joy Cantos

Show comments