Mag-ina dinedo ng senglot
BULACAN, Philippines — Hindi na nasilayan ng ina ang kanyang isisilang na anak makaraang barilin ng shotgun ng kanyang ka-live-in na sinasabing senglot sa loob ng kanilang bahay kaha-pon sa Barangay San Pascual sa bayan ng Hagonoy, Bulacan.
Halos magkabutas-bu-tas ang katawan ni Jenna-lyn Del Pilar sa shotgun habang nakakulong at pormal na kakasuhan ang suspek na si Menandro Perez, 30.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt Albert Ocon, lumilitaw na senglot ang suspek nang dumating sa kanilang bahay at kinompronta ang biktima.
Napag-alamang napikon ang suspek sa isina- got ng kanyang ka-live-in kaya naganap ang pamamaslang.
Sumuko naman sa pulisya ang suspek mata- pos na mahimasmasan sa pagkalango sa alak. (Boy Cruz)
- Latest
- Trending