Gibo, sumuporta sa Palarong Bicol 2010
CAMARINES NORTE, Philippines – Libu-libong manonood ang dumagsa sa unang araw ng Palarong Bicol 2010 noong Linggo ng umaga na ginanap sa Eco Athletic Field sa bayan ng Daet, Camarines Norte na kung saan naging panauhin ang presidentiable bet na si ex-DND Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro.
Kabilang sa mga dumalo sa opening day ay sina DepEd Director Celedonio Layon Jr., Camarines Norte Governor Jesus “Atoy” Typoco Jr. at ilang opisyal ng DepEd.
Umaabot sa anim probinsya at pitong lungsod sa Kabikulan ang lumahok sa Palarong Bikol na may temang Sports: An Avenue for Productive and Morally Upright Youth kung saan magtatapos sa Biyernes (Pebrero 5).
Pinasalamat naman ni Layon ang malaking tulong ni Governor Typoco upang maging makulay ang pagdaraos ng Palaro Bicol 2010 kung saan pinaglaanan ng malaking pondo para sa mga atletang kalahok.
“Hangad ko ang tagumpay ng bawat isa, subalit hindi natin maiiwasan ang may nagwawagi at ‘di-nagwawagi, sapagkat kailanman ay walang tatanghaling champion kung ’di-natin tatanggapin ang ating kahinaan bilang sanhi ng hindi natin pagtatagumpay, ito rin ang magiging daan upang higit nating mapaunlad ang mapaglinang ang ating kaalaman sa sports,” pahayag ni Gov. Typoco.
Ipinagmalaki naman ng ilang opisyal ng DepEd ang suporta ng provincial government sa pamumuno ni Gov. Typoco na tatakbo sa mayoralty race sa bayan ng Daet. Francis Elevado
- Latest
- Trending