6 katao todas sa sunog

MANILA, Philippines -  Anim-katao kabilang ang dalawang bata na sinalpok ng firetruck ang iniulat na namatay ha­ bang isa pa ang nasu­gatan sa na­ganap na sunog sa Ba­rangay Cat­ban­gen, San Fernando City, La Union kamaka­lawa ng hapon.

Kabilang sa mga nasawi sa sunog ay sina Charles Boado, 12; at Steve Kyle Ca­riño, 7, kapwa residente ng Banks Poro, San Fer­nando City habang suga­tan naman ang bumbero na si FO2 Edgar Nueva, 49, ng Naguillan Fire Station.

Sa police report na naka­rating sa Camp Cra­me, lumi­litaw na nasunog ang dala­wang palapag na gusali kung saan naabo ang li­mang bahay na nasa likuran.

Hindi naman umabot ng buhay sa Ilocos Training and Regional Medical Center ang dalawang bata na sinasabing nahatak ng hose ng firetruck saka tu­milapon ng ilang metro ma­tapos magsalpukan ang dalawang firetruck na ru­mesponde sa sunog.

Nabatid na nawalan ng preno ang isa sa trak kaya su­malpok sa isang sasak­yan at nadamay ang am­bu­lansiya at mo­ torsiklo. Joy Cantos

Show comments