Estudyante tinodas ng gang member

CEBU CITY, Philippines — Pinanini­walaang mistaken identity ang pagkakapaslang sa isang 18-anyos na college student makaraang pagba­barilin ng isang menor-de-edad na gang member noong Biyernes ng gabi sa bisinidad ng Barangay Pardo sa Cebu City, Cebu.

Napuruhan sa kanang dibdib at likurang bahagi ng katawan si Bayani “Brian” Navarro ng Sitio Kinasang-an at isang Automotive student sa uni­bersidad sa Cebu City. Sa­mantalang naaresto na­man ang sus­pek na itinago sa pa­nga­lang Elmer,16 at mi­yembro ng Blood Gang.

Ayon sa ilang saksi sa krimen, sina Romeo Ri­ve­ra, Ivan dela Rama at Brian Navarro ay patawid ng kalsada matapos bumaba ng pampasaherong jeep­ney nang mamataan ang suspek at ilang miyembro ng gang.

Dito na bumunot ng baril at ipinutok ng sus­pek sa tatlong estudyante kung saan napuruhan ang bikti­ma na namatay sa Cebu City Medical Center ha­bang gina­gamot.

Napag-alamang si Na­varro ay dating miyembro ng Crips Gang kung saan tumiwalag na ito dahil sa pag-aaral. 

Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto na­man ang suspek sa kani­lang bahay kung saan inamin nito na ang kan­yang puntirya ay si dela Rama.

Show comments