Utol ni Mangudadatu inaresto

MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa kasong pag­labag sa Omnibus Election Code si As­sem­blyman Khadafeh Ma­ngu­dadatu matapos itong ma­kum­piskahan ng iba’t ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril sa inilatag na checkpoint sa Barangay Cogon, Digos City, Davao del Sur noong Biyernes ng umaga.

Si Khadafeh ay utol ni Buluan Mayor Es­mael “Toto” Mangudadatu na kan­di­dato sa gubernatorial race sa Maguin­danao.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Ronald de la Rosa na naka­rating sa camp Cra­me, lumi­litaw na pina­titigil sa checkpoint ng grupo ni P/Inspector Wilfredo Cura­ming ang convoy ni Assemblyman Kha­dafeh.

Subalit hindi huminto sa checkpoint sa bayan ng Ma­tanao kaya nag-flash alarm ang pulisya kung saan uma­lerto naman ang isa pang checkpoint sa Digos City at binantayan ang paparating na convoy ni Khadafeh.

Nasamsam sa itim na Chevrolet Suburvan (YF­M111) at itim na Toyota (LFY 709) ng assemblyman ay isang M16 Armalite rifles, cal 9mm pistol, cal. 45 pistol at iba pang baril.

Nasa loob ng convoy ang anim na nakaunipor­meng se­curity escort ng opisyal kung saan sinabi ni de la Rosa na sa isinaga­wang be­ri­­pikasyon ay dalawa lamang sa mga ito ang naisyuhan ng permit ni Atty. Ray Su­mali­pao Red ng Comelec ARMM.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang apat na walang maipakitang security detail permit na sina PO3 Anuar Mangelen Mu­sali na nakunan ng isang M16 rifle; P01 Joehali Pa­nigas (M16 rifle); Cpl Ber­nardo Patricio ng Army’s 46th Infantry Battalion (M16 rifle) at kasama­han nitong si Pfc Renante Alcalde. Joy Cantos

Show comments