2 pang bomba sa Zamboanga

MANILA, Philippines - Dalawang insidente ng pagsabog ang yumanig sa magkahiwalay na lugar sa Zamboanga City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng pulisya, na­ga­nap ang magkakasunod na pagsabog dakong alas-4:10 ng madaling-araw sa Plaza Pershing at Sevilla ng na­turang lalawigan, kung saan isang improvised explosive device ang ginamit sa pagpapasabog dito.

Nakakuha din ang mga otoridad ng pulbura ng ammonium nitrate sa mga lu­gar na pinasabog. Baga­ma’t walang naiulat na na­sawi o nasaktan sa insi­dente, nag­dulot pa rin ito ng matinding takot sa mga residente dito.

Tinitingnan din ang posi­bilidad na grupo ng Abu Sayyaf ang nasa likod ng naturang pagpapasabog. Inaalam din kung anong triggering device ang gina­mit dito. Joy Cantos

Show comments