3 bisita sa piyesta, kinatay

BOTOLAN, Zambales, Philippines – Tensyon at pagkabahala ang bumalot sa masayang pagdiriwang ng kapistahan sa Sitio Payapa makara­ang mapagtripang pagtulu­ngang saksakin ang tatlong kalalakihan ng magkapatid na lalaki na sinasabing si­napian ng masamang espi­ritu sa bayan ng Botolan, Zambales noong Linggo.

Pawang idineklarang patay sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa bayan ng Iba, Zambales sina Jess de San Juan, Exequel Dumo­lot at si Rusty Castillo na residente ng Barangay Rosaban, Loob-Bunga,sa bayan ng Botolan.

Naaresto naman at por­mal na kinasuhan ng pu­lisya ang mga suspek na sina Michael Redor at Eduardo Redor, Jr.

Base sa police report, ang tatlo ay bumisita sa ka­ibigang si Ernesto Castillo dahil sa kapistahan ng na­banggit na lugar kung saan nagkaroon ng ma­sayang inuman.

Makaraan ang ilang oras na inuman ng mga biktima kasama ang ilang bisita ni Castillo ay sinasa­bing nanlisik ang mga mata ng mag-utol na Redor at pinagtulungang saksakin ang mga biktima na lango na sa alak.

Nagawa pang makala­bas ng bahay ang dala­wang biktima na duguan subalit sinundan pa ito ng mga suspek at pinagta­taga.

Show comments