2 dedo sa road mishap

KIDAPAWAN CITY , Philippines  — Na­­sawi ang driver na si Randy Carugda at pasa­hero niyang si Tating La­caydi habang sugatan ang isa pa nilang kasamang si Atanasio Tomarse nang bumangga sa isang pick-up ang sinasak­yan nilang motorsiklo sa may outpost ng Philippine Ar­my sa national highway ng lungsod na ito kahapon ng mada­ling-araw. Ayon pa sa mga sundalong nagres­ponde sa insidente, mabilis ang pagpapatakbo ng sa­sak­yan ni Carugda na uma­no ay lasing. Maging ang mga pasahero niya ay puro lasing umano.   Malu Manar

Show comments