^

Probinsiya

Mister ipinapatay ni misis sa amiga

- Ni Boy Cruz -

SAN JOSE DEL MON­TE CITY, Bulacan, Philippines – Isang negosyante ang ipinapatay umano ng sa­rili niyang asa­wa sa isa nitong kaibigang babae sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sta. Cruz 5 sa bayang ito kama­kalawa ng gabi.

Kinilala sa ulat ni P/Supt.Ed­win Quilates kay OIC Bu­lacan Provincial Director P/Supt. Ed­gardo Tinio ang biktima na si Al­berto Aguillon, 56-anyos.

Tinutugis ng pulisya ha­bang isinusulat ito ang mi­sis ni Aguillon na si Rosemarie Reyes-Aguillon, 52 anyos, at amiga nitong si Evelyn Lino ng Bulacan St., Brgy. Pa­yatas, Quezon City.

Nauna rito, masaya pang nag-iinuman sina Aguillon at Lino sa balkonahe ng na­tu­rang bahay habang nasa banyo si Rosemarie nang ma­­karinig ito ng putok ng baril. 

Nang sumugod si Rose­marie sa balkonahe ay nakita na niyang nakabulagta at may dalawang tama ng baril sa ulo ang kanyang mister.

Sa una ay nahirapan ang mga imbestigador sa pag-analisa sa kaso dahil magkaiba ang salaysay ng dalawang babae sa mga pulisya.

Dahil dito, naghinala ang mga imbestigador na  isa sa dalawang ba­bae ang nakapatay sa bik­ti­ma at nadagdagan pa ito ng report ng SOCO na ma­lapitan nang barilin ang biktima at narekober din ang baril na ginamit.

Lumutang naman sa pu­lisya kinalaunan ang isang 16-anyos na babae na nag­tapat na narinig niya ang pinag-usapan ng dalawang babae na may ibang ka­laguyo ang biktima.

Nagplano umano ang da­­­lawa ng gagawin laban sa bik­tima.

vuukle comment

AGUILLON

BARANGAY STA

BRGY

BULACAN ST.

EVELYN LINO

PROVINCIAL DIRECTOR P

QUEZON CITY

ROSEMARIE REYES-AGUILLON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with