Bus niratrat: 12 sugatan

MANILA, Philippines - Labindalawa sa 39 pasahero ang iniulat na nasugatan makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan ang pam­pasaherong bus kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City, kamakalawa.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Angelo Sunglao na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na patungong Pa­­gadian City ang Rural Transit Bus na lulan ang mga bik­tima nang pagbabarilin pagsapit sa hangganan ng Sitio Tug­bungabong sa Brgy. Licomo, Zamboanga City at Zam­boanga Sibugay.

Naisugod naman sa Ipil Hospital ang mga sugatang biktima. Kaagad naman naglatag ng checkpoint ang militar sa kahabaan ng national highway habang sinusuyod ng pulisya ang pinangyarihan ng insidente. Ricky Tulipat

Show comments