ZAMBALES, Philippines — Nagsagawa ng kilos-protesta kamakalawa ang malaking transport group na naghahatid ng mga kawani ng Hanjin Heavy Industries and Construction (HHIC) matapos paboran ng nabanggit na kompanya ang isa pang bus company na maghakot ng mga kawani patungo sa kanilang jobsite.
Ang protesta ay isinagawa sa San Pablo bus terminal sa bayan ng Castillejos, Zambales makaraang mag-akusa ang mga tsuper na kasapi ng Zambales Operators and Drivers Cooperative Association (ZAMODCA) na pinapaboran ng Hanjin ang isa pang bus company.
Ayon kay Atty. Renato Collado na may permiso ang Zamodca mula sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na maghakot ng mga shipyard workers mula sa bayan ng Castillejos patungong Hanjin facilities sa Redondo Peninsula, Subic. Subalit naglabas ng kalatas ang HHIC kaugnay sa terminasyon ng kontrata ng 26 mini-bus ng Zamodca noong Enero 15 kaugnay sa inspeksyon noong Disyembre 7-10, 2009.
Nagkaroon naman ng tensyon sa kilos protesta makaraang humarap sa mga nagpipiket na tsu per ang Koreanong opisyal ng Hanjin na inuutusang muling magbiyahe ang mga Zamodca bus. Alex Galang