3 mayoralty bets na magkapangalan maglalaban-laban sa May eleksyon
SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Nagbigay ng malaking kalituhan sa mga botante ang magkakatulad na pangalan ng tatlong kandidato para sa isang posisyon matapos maghain ng kandidatura ang mag-ina na kapangalan ng kasalukuyang mayor na si Amelita “Amy” Navarro.
Ayon kay City Mayor Amelita “Amy” Navarro, maliban sa isang dating congressman at dating vice mayor na makakatunggali sa mayoralty race ay naghain din ng kandidatura ang dalawa nitong kapangalan at isa pang ka-apelyido.
Napag-alaman na naghain sa Commission on Elections ng kanilang kandidatura sa mayoralty race ang isang Amy “Amelita” Navarro at anak na Emma “Amy” Navarro.
Dahil dito, hiniling ni Navarro sa Comelec na tanggalin sa kanilang listahan ang mga kapangalan na Amy “Amelita” Navarro at Emma “Amy” Navarro na aniya ay magbibigay lang ng kalituhan sa mga botante.
“The poll body is already hearing our case. We hope our motion for the disqualification of these two candidates would be granted,” dag dag pa ni Navarro.
Ayon naman kay ex- Vice Mayor Armando Tan na sinasabing katunggali ni Mayor Navarro, ang paghahain ng kandidatura ng dalawang kapangalan ni Navarro ay gawain din ng alkalde upang makuha ang simpatya ng botante.
Bukod kay Tan at ex-Cong. Anthony Miranda ng Pwersa ng Masang Pilipino na naghain din ng kandidatura para sa mayoralty race ay isa pang Sammy Navarro na kamag-anak din ng kasalukuyang mayor. Victor Martin
- Latest
- Trending