^

Probinsiya

Misis initak ni mister, patay

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang ginang ang pinagtataga at napatay ng kanyang asawa bago nabaril at napatay din ng pulisya ang huli sa Labo, Camarines Norte kamaka­lawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Labo District Hospital ang biktimang si Ju­nitha Villafria, 43, ng P-3, Brgy. Pang-Pang, Labo.

Hinihinalang selos ang nagtulak sa suspek na si Dionesio Villafria para pas­langin niya ang kan­yang misis.

Nasugatan naman sa insidente ang isang ba­rangay tanod na si Angel Narido Jr.

Nauna rito, nakahiga sa kama sa loob ng kanilang bahay si Junitha nang big­lang dumating si Dionesio at bigla siyang pinagtataga nito ng itak sa harap ng ka­nilang 10-taong gulang na anak.

Nakatakbo pa palabas ng bahay si Junitha kaya hinabol siya ni Dionesio. Na­kasalubong ng naghu­hu­ramentado nang suspek sa daan si Narido na kanya ring hinataw ng taga baga­man nakatakas ang huli. 

Bumalik si Dionesio sa kanyang bahay at sinunog ito bago tumakas palayo pero nakasalubong siya ng nagrespondeng mga pulis na nagpaputok ng baril nang tangkain niyang su­gu­rin ang mga ito.

Nasugatan ang suspek na hindi na rin umabot nang buhay sa ospital. Ed Casulla

vuukle comment

ANGEL NARIDO JR.

CAMARINES NORTE

DIONESIO

DIONESIO VILLAFRIA

ED CASULLA

JUNITHA

LABO

LABO DISTRICT HOSPITAL

LEGAZPI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with