^

Probinsiya

Balasahan sa kapulisan may bahid pulitika

-

IBA, Zambales , Philippines  — Iligal at may bahid pulitika ang big­laang pagtatalaga ng bagong police director ng Zambales na hinirang nang walang konsultasyon sa mga lokal na opisyal ng lalawigan.

Ito ang sinabi ni Zam­bales Governor Amor De­loso kaug­nay ng turn-over ceremony para sa bagong talagang hepe ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO) noong Sabado, Enero 9 sa Camp Conrado Yap sa bayan ng Iba.

“Ganito na ba, without protocol to the local government, basta na lang magta­talaga ng bagong hepe ng kapulisan sa aming lalawi­gan nang wala man lamang konsultasyon sa gober­nador?” wika ni Deloso.

Napag-alamang tinawa­gan ng tauhan ni dating Zam­bales Police Provincial Office (ZPPO) director P/Senior Supt Rolando Felix si Deloso para saksihan ang turn-over ceremony ng li­de­rato ng ka­pulisan nang araw ding iyon, bagay na iki­na­bigla ng go­bernador.

Si Santiago ay manu­nung­kulan bilang officer-in-charge ng ZPPO hanggang matapos ang Mayo 2010 eleksyon, kapalit ni Felix na itinaas ng ranggo.

Malinaw na may bahid-pulitika ang pagkakatalaga kay P/Senior Supt. Rafael Santiago dahil inireko­menda ito ng dating ma­taas na opis­yal ng PNP at kandidato ngayon sa pag­ka-gober­nador ng Zam­bales.

Ayon pa sa opisyal, si San­tiago ay wala sa lista­han ng mga rekomendado na maa­a­ring pagkatiwa­laan para ma­ging katu­wang sa katahimikan at kapayapaan ng Zambales.

“This is a violation of local government code and it is a preliminary to harassment. I would do mass action, a people power if ever. I am still the governor and have the right to defend whoever human animal working with me for the good of this province,” dag­dag pa ni Deloso. Randy Datu at Alex Galang

ALEX GALANG

CAMP CONRADO YAP

DELOSO

GOVERNOR AMOR DE

POLICE PROVINCIAL OFFICE

RAFAEL SANTIAGO

RANDY DATU

SENIOR SUPT

SHY

ZAM

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with