^

Probinsiya

2 mediamen itinaboy sa presinto

-

CAMARINES NORTE, Philippines — Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa pu­westo ang bagong tala­gang hepe ng pulisya sa bayan ng Daet makaraang bastu­sin at palayasin sa presinto ang dalawang reporter na tu­mutupad ng ka­ni­lang tra­ba­ho kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ang sinasabing bastos at walang galang sa mga mamamahayag na bagong hepe ng pulisya na si P/Supt. Mario Laylo Bar­bacena na dating deputy provincial director ni P/Senior Supt. Emmanuel Ta­lento.

Napag-alaman din sa ulat na si Barbacena ay ini­rekomenda ni Talento bi­lang bagong hepe ng pulis­ya kapalit ni P/Supt. Do­mingo Mendaza na kauupo pa lamang noong Dis­yembre 10, 2009.

Nabatid din sa ulat na ikinagulat ni Daet Mayor Tito Sarion ang biglaang pag­ papalit ng hepe ng pulisya ni Talento kung saan walang kaukulang kordinasyon sa opisyal ng lokal na pama­halaan

Kasunod nito, nabas­tusan naman ang dala­wang reporter na sina Nardz Hernandez ng PBN dzMD at ang sumulat na ito sa gina­wa ni Barbacena na tumang­ging magpa-interview para kunin ang kan­yang panig at kasabay nito na itinaboy sila palabas ng himpilan ng pulisya na animo’y hayop.

Nakatakdang mag­sam­pa ng kaso sa Napol­com si Mayor Sarion sa ginawa ni Talento kung saan sa kabila na may direktiba na ang PNP regional office na ibalik sa puwesto si Mendaza bago sumapit ang alas-12 ng hatinggabi bago ang election ban. 

Naniniwala si Sarion na may bahid pulitika ang big­ laang pagpapalit ng hepe ang pulisya. Francis Elevado

vuukle comment

BARBACENA

DAET MAYOR TITO SARION

EMMANUEL TA

FRANCIS ELEVADO

MARIO LAYLO BAR

MAYOR SARION

MENDAZA

NARDZ HERNANDEZ

SHY

TALENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with