'Bantay' tinodas ng pulis

SOLANO, Nueva Viz—caya — Pinagbabaril hang­gang sa mapatay ng isang alagad ng batas ang ala­gang aso na sinasabing na­ngagat sa una noong Martes ng umaga sa Ba­rangay Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.

Ayon kay P/Senior Ins­pector Maciste Serrano, nakilala ang pulis na bu­maril ng aso na si PO3 John Se­gundo, 48, nakata­laga sa ba­yan ng Santa Fe police office.

Napag-alaman na no­ong Martes ng umaga nang dumalaw si PO3 Segundo sa bahay ni Ruth Gala­sinao.

Dito na kinagat ng aso ang kamay ni PO3 Se­gundo na sinasabing lango sa alak kung saan bilang ganti ay binaril naman nito ang alagang aso ni Gala­sinao.

Maliban sa aso ay pi­nag­diskitahan pa ng pulis si Galasinao na tutukan ng baril.

 “I was nervous and felt helpless. Segundo even aimed his rifle at my right temple and asked if I want to be the next. Our children became hysterical. The teach­ers and kids at a nearby kindergarten school looked so terrified as well,” pahayag ni Galasinao.

Sa himpilan ng pulisya, inamin naman ni PO3 Se­gundo na binaril nga niya ang aso matapos siyang kagatin, subalit itinanggi nito na tinutukan niya ng baril si Galasinao.

Sinasabing ang aso ni Galasinao ay dating alaga ni PO3 Segundo subalit nang lumaki na ito at sa tagal ng panahon na hindi sila nagkita ay hindi na nakilala ng aso ang dating amo. Victor Martin

Show comments