Radio reporter sugatan sa ambush
MANILA, Philippines - Isa na namang media man ang tinangkang itumba nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong lalaki sa Bantay, Ilocos Sur kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Eugene Paet, reporter ng Commando Radio sa Vigan City at nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa tagiliran.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Barangay Bulag Centro, Bantay.
Pauwi na ang biktima mula sa kanyang radio program nang tambangan ng mga hindi nakilalang kalalakihan na pinaniniwalaang mga ‘hired killers’.
Tumakas ang mga armadong lalaki matapos ang pananambang habang isinugod sa Metro Vigan Cooperative Hospital ang biktima. Joy Cantos
- Latest
- Trending