^

Probinsiya

Kabesa, sabit sa illegal logging

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nalalagay sa ba­lag ng alanganin ang isang barangay chairman maka­raang makumpiskahan ng libu-libong board feet ng narra at iba pang common hardwood sa kanyang bakuran noong Linggo sa Barangay Alinguigan sa bayan ng Ilagan, Isabela.

Pormal na kakasuhan ang suspek na si Chairman Tony Ga­ngan na sinasabing ika­lawang opisyal ng barangay na nahaharap sa kasong illegal logging sa Isabela, ayon kay Dave Siguian, team lead­er ng Anti-Illegal Task Force.

Naunang nadakma ang mga suspek na si Ruben Siringan at Rommel Zipagan matapos maaktuhan ng task force ang pagdadala ng tone-toneldang board feet sa bakuran ni Gangan.

Ayon kay Isabela Governor Grace Padaca, ang mga illegal logger na kinabibi­langan ng mga bugadores ay protektado ng ilang alkalde ng Isabela.  

Iginiit din ni Padaca na siya pa rin ang gobernador ng Isabela kung  saan ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagpapababa sa kanya sa puwesto pabor kay Benjamin Dy.

 “Let no one of those illegal loggers and their criminal protectors think that just because I have a pending case in the Comelec, they can declare happy days are here again,” pahayag ni Padaca. Victor Martin

ANTI-ILLEGAL TASK FORCE

BARANGAY ALINGUIGAN

BENJAMIN DY

CHAIRMAN TONY GA

COMELEC

DAVE SIGUIAN

ISABELA

ISABELA GOVERNOR GRACE PADACA

NUEVA VIZCAYA

PADACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with