Motor sumalpok, 1 dedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  — Isa katao ang nasawi at nasa malubha na­mang kalagayan ang dala­wang kasamahan nito matapos sumal­pok ang kanilang sina­sakyang mo­torsiklo sa nakapa­radang tricycle sa tabi ng kalsada sa Sito Tu­lay, Barangay Bagsa­gan, Irosin, Sor­sogon.

Nakilala ang nasawi ay si Michael Balaoro, 13, estudyante. Pina­ga­mot naman sa Irosin District Hospital ang sugatang sina Gerome Dino, 18; estudyante; at Rowel Equipado, 19, estu­dyan­te at pawang mga residente ng Sitio Calian ng nabangit na lugar.

Napagalaman na ang mga biktima ay sa­kay ng motorsiklo na bumabag­tas sa kaha­baan ng na­turang kalsa­da nang sumalpok ito sa isang nakaparadang tricycle. Ed Casulla

Show comments