Dalagita tinodas ng pinsan habang tulog

ANTIPOLO CITY, RIZAL , Philippines — Isang dala­gi­ta ang nasawi nang tadtarin ng saksak ng kanyang pinsang ba­bae habang natutulog ang biktima kamaka­lawa ng gabi sa Ba­rangay san Juan, An­tipolo City.

Naliligo sa sariling dugo nang matag­ puan ang bangkay ni Jenni­lyn Franco, 17-anyos, ng Samson Compound, Barangay San Juan.

Pinaghahanap na­man ng mga awtoridad ang tumakas na salarin na si Mary Grace La­zaro, 24-anyos, dala­ga, at naninirahan sa Manggahan, Rodri­guez, Rizal.

Sa ulat ng Antipolo PNP, naganap ang kri­men dakong alas-8:20 ng gabi sa loob ng ku­warto ng biktima. Na­batid na natutulog na si Franco nang pumasok si Lazaro na armado ng patalim at sunud-sunod na inun­dayan ng saksak ang biktima bago mabilis na tu­makas.

Agad namang na­diskubre ng mga ka­anak ni Franco ang pangyayari nang ma­kitang nagmamadaling tumakas si Lazaro.

May teorya ang pu­lisya na “love triangle” ang motibo sa na­tu­rang pamamaslang. Isinasailalim pa sa pag­tatanong ang mga ka­anak ng biktima upang maestablisa ang motibo habang inihahanda ang pagsa­sampa ng kasong murder laban kay Lazaro.

Show comments