Nagsindi ng paputok tinodas

PANGASINAN, Philippines — Binaril at napatay ang isang 23-anyos na binata ng kanilang kapitbahay na sinasabing nagalit sa pagsisindi ng paputok ng una noong Huwebes ng gabi sa Sitio Pao, Barangay Nilombot sa bayan ng Sta. Barbara, Panga­sinan.

Idineklarang patay sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City si Edwin Paraan, habang naaresto naman ang suspek na si Alipio Salazar, 34, ng Barangay Malanay.

Napag-alamang nagsindi ng paputok ang biktima kasama ang kanyang kamag-anak sa labas ng kanilang tahanan nang komprontahin ng suspek hanggang sa mauwi sa pama­maslang. Cesar Ramirez

Show comments