Magpinsan tinorture bago inutas
NUEVA ECIJA, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng magpinsang lalaki na sinasabing may apat na araw nang nawawala makaraang matagpuan ang mga bangkay sa magkahiwalay na barangay sa Nueva Ecija kamakalawa. Base sa police report, ang bangkay ni Keihran Espiritu, 28, ay natagpuan sa ilog ng Barangay San Felipe sa bayan ng Gen. Llanera. Samantala, ang katawan naman ni Jerwin Espiritu, 20, ay nadiskubre sa bahagi ng Brgy. Sibul, San Jose City. Ayon sa ulat, ang dalawa na kapwa nakatira sa Brgy. Poblacion Norte sa bayan ng Rizal ay napaulat na nawawala noong gabi ng Disyembre 27. May mga palatandaang pinahirapan muna ang magpinsan bago iginapos ang mga kamay at paa saka kinaladkad ng motorsiklo at itinapon sa ilog. Christian Ryan Sta. Ana
- Latest
- Trending

















