2 kawal dedo sa Sayyaf

MANILA, Philippines - Dalawang kawal ng Navy Special Operations Unit ang iniulat na napaslang habang isa pa ang nasugatan maka­raang makasagupa ng mga bandidong Abu Sayyaf Group at Moro Islamic Liberation Front sa baybaying lugar sa ba­yan ng Mo­hammad Ajul, Ba­silan ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Lt. Junior Grade Christopher Pantaleon at PO3 Almario Manalili ha­bang sugatan naman si Seaman1 Reynan Sumalinog na naisugod sa Camp Navarro Hospital.

Lumilitaw na nakasa­gupa ng Philippine Marines at Navy ang grupo nina MILF leader Tanad Nasalun at ASG lider Muntong Pula sa liblib na bahagi ng Brgy. Candiis.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang search and rescue operations sa mga na­lalabi pang bihag na dala­wang Tsinoy trader na sina Michael Tan at Oscar Lu Tan na dinukot noong Nob­yem­bre sa Brgy. Townsite, Ma­luso, Basilan kung saan hi­nihingan ng P20 milyong ransom. Joy Cantos

Show comments