^

Probinsiya

P150M ari-arian naabo

-

Zambales, Philippines — Tinata­yang aabot sa P150 mil­yon halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy ma­ka­raang masunog ang pamil­ihang bayan ng Iba, Zam­bales kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Inspector Leo Sanchez, hepe ng BFP, lu­militaw na nagsi­mula ang sunog bandang alas-8:30 ng gabi kung saan nag­mula ang apoy sa isang tindahan na im­pakan ng mantika sa loob ng pa­lengke.

“Isang tindera ang agad na kumuha ng tubig at ibinuhos sa apoy su­balit sa halip na mamatay ay lalo itong lumaki at ku­malat,” pahayag ng isang testigo.

Naapektuhan ng su­nog ang may 1,200 tin­dahan kung saan tumagal ng apat na oras bago tu­luyang naapula ng mga tauhan ng pamatay su­nog.

Samantala, inatasan na ni Zambales Governor Amor Deloso si Iba Mayor Danilo Pamoleras na pulu­ngin agad ang konseho ng bayan upang talakayin ang pagta­tayo ng pansamanta­lang palengke at ang rel­o­kasyon nito.

Nangako naman ang gobernador na handa itong mag-donate ng kanyang sariling pera upang ga­mitin sa pagpapatayo ng ba­gong palengke.

“Dapat mapagpas­ya­han agad ng konseho ang pagpapatayo ng pa­ leng­ke dahil isa ito sa pa­­nguna­hing pasilidad ng bayan,” dag­dag pa ni De­loso. Randy Datu at Alex Galang

ALEX GALANG

DAPAT

IBA MAYOR DANILO PAMOLERAS

INSPECTOR LEO SANCHEZ

ISANG

NAAPEKTUHAN

NANGAKO

RANDY DATU

SHY

ZAMBALES GOVERNOR AMOR DELOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with