PANGASINAN — May posibilidad na matinding depresyon ang sumanib sa isang 29-anyos na police trainee ng NCRPO kaya nagbaril sa sarili at namatay noong Sabado ng hapon sa Day Care Classroom sa Barangay Mabanogbog sa Urdaneta City, Pangasinan.
Sa ulat na nakalap kahapon, si PO1 Sherwin Pardua ng Barangay Centro, Buguey, Cagayan na sinasabing nagsanay sa Regional Training School at sumailalim sa Barangay Immersion Program sa bayan ng Aringay, La Union ay gumamit ng shotgun sa pagpapakamatay.
Ayon sa police report, naiwan ng suicide note ang biktima kung saan narekober ang basyo ng shotgun at isang celpon. Cesar Ramirez