2 hayjaker ng oil tanker arestado
BULACAN , Philippines — Dalawa sa tatlong kalalakihan na isinasangkot sa oil tanker hijacking sa McArthur highway sa North Luzon Expressway ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang dragnet operation sa bisinidad ng Barangay Abagan Sur sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon.
Sumasailalim na sa tactical interrogation at pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Raymond Lopez, 24, ng Brgy. Iba O’Este at Randay Ocanada, 31, ng Brgy. Corazon pawang sa bayan ng Calumpit, Bulacan habang tugis naman ang lider ng grupo na si Raymond Dominguez na nagmaneho ng Mitsubishi Montero na may plakang ZSB-740.
Ayon kina P/Chief Insp. Julius Caesar Mana at P/Supt. David Poklay, ang grupo ng mga suspek ay sangkot sa panghahayjak ng oil tanker sa South Luzon Expressway noong Nobyembre 27 kung saan dinala ang kargamento sa bayan ng Marilao, Bulacan.
Napag-alamang din na sangkot ang grupo na nagpapanggap na mga pulis sa serye ng highway robbery sa North Luzon Expressway. Boy Cruz
- Latest
- Trending