P.5M paninda, naabo sa kwitis

SOLANO, Nueva Viz­caya , Philippines — Aabot sa P.5 mil­yong paninda at ari-arian ang naabo matapos masu­nog ang isang gusali dahil sa kwitis sa bisperas ng Pasko sa pamilihang bayan ng Solano, Nueva Vizcaya. 

Naganap ang sunog dakong alas-9:45 ng gabi sa Jon-Ren General Merchandise sa Aldersgate College Mall ng Barangay Quirino. Ayon sa mga nakasaksi, bago sumiklab ang apoy ay may mga namataang mga bata na naglalaro ng papu­tok kung saan aksidenteng pumasok sa loob ng gusali ang mga kwitis.   

Tu­magal ng 25-minu­tong ang sunog bago maa­pula ang apoy at hindi na na­da­may ang iba pang mga ka­tabing stall. Napag-alaman na mabilis ang pagtupok ng apoy dahil sa mga panin­dang papel at tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) na nasa loob ng gusali. Victor Martin

Show comments