Nanaksak sa party inutas

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  — Isang kandi­dato sa pagka-municipal coun­cilor sa May 2010 elections ang iniulat na inundayan ng saksak ha­bang namimigay ng regalo sa Christmas party noong Hu­webes ng gabi sa bisini­dad ng Barangay Villa Luna, Cauayan City, Isa­bela.

Ayon kay P/Chief Inspector Roberto Bucad, PIO ng Isabela PNP, si ex-Councilor Edwin De Luna ay biglang inundayan ng dalawang sak­sak ni Er­nesto Madriaga ha­bang na­mimigay ng Pa­masko sa Christmas party sa Purok 14, Barangay Villa Luna dakong alas 8:30 ng gabi.

Kahit sugatan at may tama sa dibdib si De Luna ay nagawang gumanti at ipinutok ang baril kay Ma­driaga na idineklarang patay sa Medical Specialist Hospital.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pananaksak mata­pos mapag-alaman na sina De Luna at Ma­dri­aga ay kap­wa malapit kay Cauayan City Mayor Caesar Dy.Victor Martin

Show comments