^

Probinsiya

Tindahan ng paputok nasunog: 6 patay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Anim na katao ang na­matay nang dalawang tin­da­han ng rebentador ang magkasunod na nasunog sa magkahiwalay na insi­dente sa General Santos City at Cebu.

Ayon sa ulat, tatlong babae ang nasawi habang isang batang lalaki ang na­sugatan sa sunog na tumu­pok sa isang tindahan ng paputok sa General Santos City sa Mindanao kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ni General San­tos City Police Director Sr. Supt. Marcelo Pintac na nag­­bunsod sa sunog ang isang pumutok na rebenta­dor na tumama sa isang hanay ng mga tindahan din ng paputok sa Oval Plaza sa Pendatun St. ban­dang alas-12:01 ng hating­gabi.  

“May nagpa-fireworks, natumba (iyong paputok), ta­pos tinamaan iyong ibang fireworks dun sa tabi, at pumutok iyong ibang fireworks,” sabi ni Pintac.

Dalawa sa mga biktima ang agad na namatay ha­bang ang pangatlong ba­bae ay nalagutan ng hini­nga habang ginagamot sa isang ospital.

Kinilala sa ulat ng GMA News ang isa sa nasawi na si Arlene Arnaiz, 28, ng Brgy. Fatima.

Nasugatan sa insidente ang walong taong gulang na si Jomari Panuntungan na ginagamot pa habang isinusulat ito.

Tinayang P1.6 milyon ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Samantala, tatlong ka­tao rin ang namatay nang ma­sunog ang 46 na tinda­han ng paputok sa Man­daue City sa Cebu kama­kalawa ng gabi.

Naganap ang sunog ban­dang alas-10:00 ng gabi sa Brgy. Sentro sa naturang lunsod.

Kinilala sa ulat ang mga nasawi na sina Minumba Bulao; Acmad Villacorta Ba­rode, 7; at Osama bin Ibra­him Renabaca, 8. Bun­tis si Bulao nang mamatay.

Lumilitaw sa pangu­nang pagsisiyasat na nag­simula ang sunog nang subukan ng isang mamimili sa isa sa mga tindahan ang isang rebentador.

Tumilapon naman sa ibang mga tindahan ang nasindihang rebentador.

ACMAD VILLACORTA BA

ARLENE ARNAIZ

BRGY

CEBU

CITY POLICE DIRECTOR SR. SUPT

GENERAL SAN

GENERAL SANTOS CITY

ISANG

JOMARI PANUNTUNGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with