CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, aa— Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 50-anyos na sarhento ng pulisya ng mga di-pa kilalang lalaki sa loob ng videoke bar kamakalawa ng gabi sa Barangay Batang sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur. Bandang alas-8 ng gabi nang ratratin si SPO2 Manuel Medina na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Pmaplona. Walang lumutang na saksi sa naganap na krimen na pinaniniwalaang hit squad ng mga rebeldeng NPA. Ed Casulla