Dalagita ni-rape slay ng adik

BULACAN, Philippines— Malungkot na Pasko ang sasalubong sa pamilya ng isang 14-anyos na dalagita na sina­sa­bing hinalay ng mga ‘di-pa kilalang adik sa bawal na droga bago matagpuan patay kahapon ng madaling-araw sa bahagi ng Barangay Ilang-Ilang sa bayan ng Guiguinto, Bulacan. Bandang alas-4 ng madaling-araw nang matagpuan sa La Eldea Subd. sa nabanggit na ba­rangay ang hubu’t hubad na katawan ni Jasmin Mag­payo ng Rosal St., Barangay Dakila, Malolos City, Bu­lacan. Sa imbestigasyon nina SPO2 Jimmy Ortega at PO2 Mervin Ongcamua, huling namataang buhay ang biktima na makikipagkita sa kanyang nobyo para mag­simbang gabi sa Masagana Homes. Subalit hindi na nagkita ang magsyota hanggang sa matagpuang patay ang dalagita. Boy Cruz

Show comments