MANILA, Philippines - Tatlong magkakapatid ang iniulat na nasawi makaraang malunod sa ilog ng Barangay Casugad, sa bayan ng Bula, Camarines Sur kamakalawa. Tatlong oras bago marekober ang mga bangkay nina Ryan Algora, 21; Christine,17; at si Russel Algora, 11. Ayon kay P02 Jonathan Portacio. Lumilitaw na papauwi ang tatlo matapos na maghatid ng pagkain sa kanilang mga trabahador sa kanilang palayan nang lumubog ang bangka. Tinangkang iligtas ng mga nakakita ang mag-uutol subali’t natakot ang mga ito dahil sa sobrang lalim ng ilog. Joy Cantos