^

Probinsiya

Paninira binalewala, kaunlaran pinagtuunan

-

ZAMBALES, Philippines —Tiwala si Zambales Governor Amor Deloso na mas panini­walaan ng mga Zambaleño ang mga nagawa ng kan­yang admi­nistrasyon para sa kaunlaran ng nabanggit na lalawigan.

Ito ang pahayag ni Gov. Deloso makaraang mailat­hala sa ilang pahayagan ang mga malisyoso at walang batayang paninira ng ilang kalaban sa pulitika sa kan­yang personal na buhay at kakayahang pa­munuan ang Zambales.

 “Hindi dapat ikabahala ang mga black propaganda na ipinakakalat ng aking mga kalaban sa pulitika sapagkat nakatatak na sa puso at isi­pan ng bawat Zambaleño ang pagtitiwala sa mga na­gawa kong proyektong pang­­kaun­laran,” ani Deloso.

Inihalimbawa ng opisyal ang mga ipinagawang pa­aralan, plaza, gusali para sa mga tanggapan ng lokal na ahensya ng pamaha­laan, scholarship sa mga estu­dyante, livelihood at fi­nan­cial assistance program sa mga barangay.

Kasabay nito, pinuri ni De­loso ang kanyang kala­ban sa gubernatorial race sa May 2010 elections na si ex-DPWH Sec. Hermogenes Ebdane, Jr. na kinakitaan ng malinis na pagkatao sa Zambales.

“Pero, hindi ko tiyak kung sa labas ng lalawigan ay may nagawa itong maganda para sa Sambayanan,” pa­ha­yag ni Deloso.

Sa kanyang panunung­kulan bilang Kalihim ng DPWH ay napabilang ito sa mga ahensya ng pamaha­laan na sinasabing may pinakamalalang kurapsyon at katiwalian kung saan umani ng pagbatikos na naging dahilan ng kanyang pag-atras sa presidential race.

“Mas mabuting pagtutu­unan ko kung ano pa ang aking magagawa sa nalala­bing buwan ng terminong ito upang hindi masayang at matulungan pa ang aking mga kababayan,” dagdag pa ni Deloso. Randy V. Datu

DATU

DELOSO

HERMOGENES EBDANE

INIHALIMBAWA

RANDY V

SHY

ZAMBALE

ZAMBALES

ZAMBALES GOVERNOR AMOR DELOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with