MANILA, Philippines - Patuloy na tuma tangging bumalik sa kani-kanilang mga tahanan ang may 100 pamilyang residente ng Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao mula nang magsilikas sila mula dito kasunod ng pagkakapaslang ng may 57 katao sa kanilang lugar noong Nobyembre 23.
Nabatid kahapon kay Armed Forces of the Philippines- Eastern Mindanao Command Spokesman Major Randolph Cabangbang na, kahit kontrolado na ng tropa ng militar ang sitwasyon, natatakot pa ring magsibalik ang mga residente sa Sitio Masalay.
Sa naturang lugar inilibing ang 57 katao na sinasabing pinaslang ng mga tauhang CVO ng angkang Ampatuan habang patungo sila sa Commission on Elections para isampa ang certificate of candidacy ng kandidatong gobernador ng Maguindanao na si Esmael “Toto” Mangudadatu.
Sa kasalukuyan ay nanatili pa sa evacuation center ang mga nagsilikas na residente sa labas ng Barangay hall sa nasabing munisipalidad. Joy Cantos