^

Probinsiya

Christmas parties ipinagpapaliban

-

LEGAZPI CITY, Philippines — Ipinagpapaliban na rin ang mga Christmas party sa mga paaralan sa paligid ng bulkang Mayon dahil sa namimintong pagputok nito.

 May 20 eskuwelahang pampubliko at elementarya karamihan ang nagsus­pinde ng kanilang mga klase nang itaas ang alert level 3 ng Mayon noong Disyembre 12. 

Meron namang 18 esku­welahan ang ganap o ba­hagyang itinigil ang pag­kaklase nang gamitin ang kanilang mga silid-aralan bilang evacuation center ng mga nagsilikas na re­sidente.

 Inamin ni Albay schools division superintendent Dr. Alice Terrel na apektado ang mga klase sa esku­welahan at maging ang mga Christmas party ng mga ito dahil sa abnormal na kalagayan ng bulkan.  

“Pinayuhan nga namin ang mga school principal at ibang personnel na isa­gawa na lang sa Enero ng susunod na taon ang kanilang mga Christmas party at ibang aktibidad. Wala tayong magagawa dahil tawag ng kalikasan ang pagputok ng Mayon,” sabi pa ni Terrel.

Mas mabuti anya ito kaysa ipagsapalaran ang kaligtasan ng mga batang mag-aaral.

 Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nagka­roon na ng 248 na bilang ng volcanic quakes at 50 bilang ng explosion na tinatayang lalong tumataas ang posibilidad na may magaganap na malakas na pagsabog ang bulkan.

Tatlong beses na nag­sa­bog ng abong usok ang Bulkang Mayon sa Albay kahapon ng umaga na may taas na dalawang kilo­metro.

Ayon kay Director Re­nato Solidum ng Phivolcs, ang naturang pagsabog ay naitala ganap na alas-6:59 ng umaga at alas-7:24 ng umaga at ganap na alas-7:25 ng umaga naman ay naitala ang steaming activity ng bulkan.

Anya, madalas din ang pagtatala ng explosion quakes sa bulkan.

Tinaya naman ni Solidum na aabutin na lamang ng ilang araw o ilang linggo ay puputok na ng tuluyan ang bulkan.

Patuloy naman ang pag­laki ng lava sa bu­nganga ng bulkan kung saan may dalawa nang lava domes ang nabuo para maging isang magma sa loob ng crater ng bulkan. Cet Dematera, at Angie dela Cruz

ALBAY

BULKAN

BULKANG MAYON

CET DEMATERA

DIRECTOR RE

DR. ALICE TERREL

MAYON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with