Holdap: Bonus nalimas
BULACAN, Philippines — Malungkot na Pasko ang sasalubong sa isang 19-anyos na kawani ng pribadong kompanya makaraang matangayan ng kanyang Christmas bonus at celpon sa naganap na holdap kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Barangay Batia sa bayan ng Bocaue, Bulacan. Naaresto naman ang isa sa holdaper na si Andy Parco ng Northville V matapos ang follow-up operation ng pulisya dahil sa reklamo ni Cris Irene Rubias. Ayon kay PO1 Francis Ramos, papauwi na si Rubias nang harangin at holdapin sa madilim na bahagi ng nabanggit na barangay. Boy Cruz
- Latest
- Trending