Hapones natagpuang patay

MANILA, Philippines - Isang 64-anyos na Hapones na sinasabing bisita ng pangulo ng Omico Mines Exploring ang natagpuang patay sa sapa sa liblib na bahagi ng Bodiwan Creek sa Brgy. Ampucao, Itogon, Benguet kamakalawa ng hapon. Wala namang palatandaang ng foul play ang pagkamatay ni Yamahata Kasutsugo ng Singkamas St., Makati City. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pu­lisya. Joy Cantos

Show comments