^

Probinsiya

Ebdane inindorso sa Zambales

-

ZAMBALES, Philippines — Nagsa­nib pu­wersa ng mga kilalang angkang-pulitiko sa Zamba­les makaraang pormal na i-endorso ni ex-Zambales Governor Vicente Magsay­say ang kandidatura ni ex-DPWH Secretary Hermo­genes Ebdane Jr., para sa gubernatorial race sa na­banggit na lalawigan. 

Ang pinagsanib na pu­wersang Magsaysay-Eb­dane ay pormal na iniha­yag sa pagpupulong ng Zam­bales Mayors League kung saan inihayag ang pag-atras sa gubernatorial race ng anak ni Magsaysay na si Rose upang bigyang daan ang kandi­datura ng Ebdane.

Dahil sa political realignment, sina ex-DPWH Sec Eb­dane at ang re-electionist na si Gov. Amor Deloso na la­mang ang maglalaban sa gubernatorial race, kung saan sa kabila ng pag­kakaroon pa ng mga hindi kilalang kan­didato tulad nina Myrna Flor­delisa Español ng Alpha Ome­ga 9K Party at Hilary Dantes Pangan ng Ang Kapatiran Party.

Sa ginawang political caucus ng walo sa labin­tatlong alkalde sa Zam­bales, isang resolusyon din ang ipinasa na nag-iin­dorso sa kandidatura ni Ebdane. Kasama rin sa re­solusyon ang pag-indorso kina Rep. Mitos Magsay­say para sa panibagong termino bilang kongresista sa 1st distrito ng Zambales ga­yundin kay Vicente Mag­saysay na ta­takbo sa ma­yoralty race sa Olon­gapo City. Alex Galang

vuukle comment

ALEX GALANG

ALPHA OME

AMOR DELOSO

ANG KAPATIRAN PARTY

EBDANE

EBDANE JR.

HILARY DANTES PANGAN

MAYORS LEAGUE

MITOS MAGSAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with