^

Probinsiya

Mayor kinasuhan sa Sandiganbayan

-

BATANGAS CITY, Philippines — Si­nampahan ng kasong graft ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang isang mayor ng Batangas kaugnay sa maanomalyang pagpasok sa P8.18 milyong computerization project na sinasabing hindi dumaan sa public bidding noong 2004.

Sa 3-pahinang information na inaprubahan ni acting Ombudsman Orlando Casimiro, nahaharap sa kasong pag­labag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Lemery, Batangas Mayor Raul B. Bendaña.

Sa imbestigasyon ni Graft Investigation and Prosecution Officer I Vladimir F. Pelaez, na may sapat na dahilan laban kay Bendaña at posibleng nagkasala sa ibinibintang na kaso kaya dapat lamang na sumailalim sa pagdinig.

Sa mga nakalap na doku­mento, lumilitaw na puma­sok sa isang kontrata si Ben­daña sa Amellar Solutions para sa computerization program ng munisipyo noong August 31, 2009.

Inaprubahan ni Bendaña ang P6,188,737.00 pabor sa Amellar Solutions para sa computerization ng Revenue Generation System na sina­sabing hindi dumaan sa pinaiiral na Government Procurement Reform Act.

Inirekomenda ng Office of the Ombudsman ang P30,000 bail bond ni Bendana para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Tumayong mga saksi sina State Auditor Marissa Bayot ng Commission on Audit at mga kawani ng munisipyo na sina Roberto Ricalde, Mo­desto de Leon, Lenelita Bal­boa at Alicia Mangubat. Arnell Ozaeta

ALICIA MANGUBAT

AMELLAR SOLUTIONS

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ARNELL OZAETA

BATANGAS MAYOR RAUL B

GOVERNMENT PROCUREMENT REFORM ACT

GRAFT INVESTIGATION AND PROSECUTION OFFICER I VLADIMIR F

LENELITA BAL

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN ORLANDO CASIMIRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with