Sintunadong kumanta kinatay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  — Dahil sa sina­sabing sintunadong kumanta kay pinagsasaksak at pinalo ng silya ang isang lalaki sa loob ng videoke bar sa Barangay Talisay, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa ulo at idineklarang patay sa Sorsogon Provincial Hospital si Andrew Garay ng 1st St. OLV, Barangay Bibingcahan habang tugis naman ang suspek na si Jeffrey Bermundo,18.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na kumakanta ang biktima sa Analie Videoke Bar kasama ang dalawa pa nitong kaibigan nang magalit ang suspek kaya naganap ang pamamaslang. Ed Casulla

Show comments