MANILA, Philippines - Nakaligtas kay kamatayan ang isang Bokal at apat na iba pa kabilang ang kanyang misis at anak makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng Brgy. Dampas, Tagbilaran City, Bohol kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktimang mag-asawa na sina Bokal Jusil Trabajo, Delia Trabajo, at ang kanilang anak, driver at katulong. Lumilitaw na bumabagtas ang mga biktimang lulan ng Isuzu Crosswind (SIC 182) sa kahabaan ng Napocor Banat-E Road nang ratratin bandang alas-9 ng gabi. Agad namang naalerto si Jusil kung saan inatasan ang kanilang driver na ipagpatuloy ang pagmamaneho. Tatlong tama ng bala ang sumapul sa sasakyan pero wala namang tinamaan sa mga sakay nito. Joy Cantos