^

Probinsiya

Convoy ng militar at media inambus

-

MANILA, Philippines - Pinaulanan ng bala ng mga hinihinalang loyalis­tang Private Armed Groups ng mga Ampatuan ang convoy ng pulisya at militar at ang news team ng ABS-CBN at GMA 7 sa mag­ka­kahiwalay na insidente sa Maguin­danao kamakalawa ng gabi at nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Chief Superintendent Felicismo Khu, Chief of Operations ng Police Regional Office 12, patungo sana sa General Santos City ang anim na convoy ng mga awtoridad nang pagbabarilin ng mga ar­madong suspect sa ba­hagi ng highway sa Ba­rangay Lapu-Lapu sa bayan ng Ampatuan, Maguin­danao dakong alas-7:40 ng gabi.

Isa sa mga suspect ay nag­­­hagis pa ng granada ngu­­nit sa likurang bahagi ng patrol car lamang ang tina­maan at walang nasaktan.

Sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Victor Ibra­do na ang convoy ng pulisya at militar ay may da­lang mga ebidensya sa nangyaring karumal-dumal na pamamas­lang sa 57 katao kabilang ang 32 me­diamen noong Nob­yem­bre 23 sa Maguindanao.

 Agad namang itinuro ni AFP 6th Infantry Division Spokesman Col Jonathan Ponce na ang mga arma­dong loyalista ng mga Am­patuan ang nasa likod ng insidente at sinabing wala namang nasu­gatan sa convoy na pinangu­ngunahan ni Cotabato City Police Director Sr. Supt. Willie Dan­gane. Nagpadala rin ng 100 sun­dalo sa lugar bu­nga ng insidente. Joy Cantos

AMPATUAN

CHIEF OF OPERATIONS

CHIEF OF STAFF GEN

CHIEF SUPERINTENDENT FELICISMO KHU

COTABATO CITY POLICE DIRECTOR SR. SUPT

GENERAL SANTOS CITY

INFANTRY DIVISION SPOKESMAN COL JONATHAN PONCE

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with