Pari naaksidente

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa ospital ang isang pari matapos na ito ay maaksidente habang sakay sa kanyang motorsiklo sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Cayabon, Milagros, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa Dobongo Hospital sa Milagros na si Rev. Father Norman De Jesus, 38, aka Father AGA, Parish Priest ng Barangay Calumpang, Balud, Masbate. Ayon sa ulat ng pu­lisya, ang aksidente ay naganap dakong alas-6:00 ng gabi ha­bang ang biktima ay nakasakay sa kanyang motorsiklo na may plate no. EG-8416. Nang ma­karating ang pari sa lugar ay nabundol nito si Rodolfo Alto, 34, may asawa, laborer at residente ng naturang lugar. Dahil sa pagkakabundol sa mister ay nahulog sa kanyang motorsiklo ang pari na kung saan ito ay nagtamo ng tama sa ulo. Isinugod din si Alto sa Masbate Provincial Hospital pagkatapos ng aksidente. Ed Casulla

Show comments