CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong pedopilyang Dutch nationals makaraang maaresto ng pulisya dahil sa reklamo ng mga batang lalaki sa Puerto Galera kamakalawa.
Kinilala ni P/Senior Supt. Sonny Ricablanca, ang mga suspek na sina Gusbert Van T. Hof, alyas Jack; Robert Arjen Peter, alyas Robert; at si Rudolf William Devos, alyas Rudy.
Inaresto ang mga dayuhan nang magreklamo ang mga batang lalaki ng may edad na 16, 13 at 11-anyos sa ginawang panghahalay sa kanila ng mga suspek na nagsimula dalawang taon na ang nakalipas.
“Lagi daw silang pinaghuhubad ng damit ni Jack sa kuwarto at pinaliligo bago sila i-blow-job,” pahayag ni Ricablanca.
Ayon sa mga biktima, binibigyan daw sila ng P50, minsan ay P100 matapos silang molestiyahin.
Nakasama rin sa reklamo si Barangay Captain Benjamin de Chavez matapos itong magpabaya sa naturang krimen kung saan mariin namang itinanggi ng opisyal na may kinalaman siya sa kaso.
“Wala naman akong alam diyan at kasama lang ako sa pag-aresto,” pahayag niya sa mga reporter.
Samantala, pinabulaanan naman ni Puerto Galera chief of police, Supt. James Brillantes, ang balitang pinalaya niya ang mga suspek matapos magbayad ng malaking halaga.
Si Brillantes ay sinibak sa puwesto bilang hepe ng Puerto Galera at sumasailalim sa imbestigasyon matapos masangkot sa pamamaril sa isang KTV bar noong nakalipas na linggo, na mariin niya ring pinabulaanan. Arnell Ozaeta