MANILA, Philippines - Muli na namang nakatuklas ang tropa ng militar matapos makuhay ang 39 iba’t ibang uri ng high-powered firearms na nakabaon sa rancho ng mga Ampatuan sa bayan ng Don Hoffer sa Maguindanao kahapon ng umaga.
Kabilang sa mga baril na nadiskubre sa nabanggit na bayan ay ang dalawang M60 rifles, dalawang 60 caliber GPMG, isang cal .50 submachine gun (HMG), 13 M16 rifles, 3 Garand rifles walong M16 rifles na may grenade launchers, dalawang AK47, 1 M1 carbine, 2 Ultaimax LMG, 2 Galil SMG, at 12 kahon ng bala para sa M14 at 6 kahon ng bala para sa M16 rifles at 500 rounds para sa 50 caliber HMG na pinaniniwalaang pag-aari ng governor ng Maguindanao.
Sinalakay din ng mga tauhan ng NBI at CIDG ang mga bahay ng Ampatuans sa Nova Tierra Village, at Marfori Subd kung saan nabigo naman makakuha ng search warrant sa bahay ni Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. sa Juna Subd na may ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ni ARMM Gov. Zaldy Ampatuan.
Nagpapatuloy naman ang operasyon ng militar at pulisya kahit walang nakuhang mga baril at bala sa bahay ni Ampatuan Sr. sa Marfori Subd.
Ayon sa tagapagsalita ng AFP sa Maguindanao na si Lt. Col. Michael Samson, ang mga armas ay madaliang ibinaon dahil mababaw lamang ang hukay. Ricky Tulipat