^

Probinsiya

Bulto pa ng baril at bala nahukay

-

MANILA, Philippines - Muli na namang naka­tuklas ang tropa ng militar ma­tapos makuhay ang 39 iba’t ibang uri ng high-powered firearms na nakabaon sa rancho ng mga Ampatuan sa bayan ng Don Hoffer sa Maguinda­nao kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga baril na nadiskubre sa nabanggit na bayan ay ang dalawang M60 rifles, dalawang 60 caliber GPMG, isang cal .50 sub­machine gun (HMG), 13 M16 rifles, 3 Garand rifles walong M16 rifles na may grenade launchers, dalawang AK47, 1 M1 carbine, 2 Ultaimax LMG, 2 Galil SMG, at 12 kahon ng bala para sa M14 at 6 kahon ng bala para sa M16 rifles at 500 rounds para sa 50 caliber HMG na pinaniniwa­laang pag-aari ng governor ng Ma­guindanao.

Sinalakay din ng mga ta­uhan ng NBI at CIDG ang mga bahay ng Ampatuans sa Nova Tierra Village, at Marfori Subd kung saan nabigo na­man makakuha ng search warrant sa bahay ni Maguin­danao Gov. Andal Ampatuan Sr. sa Juna Subd na may ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ni ARMM Gov. Zaldy Ampatuan.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng militar at pulisya kahit walang nakuhang mga baril at bala sa bahay ni Am­patuan Sr. sa Marfori Subd.

Ayon sa tagapagsalita ng AFP sa Maguindanao na si Lt. Col. Michael Samson, ang mga armas ay mada­liang ibinaon dahil mababaw la­mang ang hukay. Ricky Tulipat

vuukle comment

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN SR.

DON HOFFER

JUNA SUBD

MARFORI SUBD

MICHAEL SAMSON

NOVA TIERRA VILLAGE

RICKY TULIPAT

SHY

ZALDY AMPATUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with